Shadow

As I walk, he walks with me,

I try to swim, and he swims with me,

I go to bed, and he lies there beside me

I need not worry because he is just there, always there.

When I wake up feeling the morning breeze,

enduring the scorching heat of the sun,

even when embracing the darkest of the night,

he is there.

And when I am not there,

he looks for me, and finds me

in a place where I am dreading to step foot on.

Will you not cease following me?

I try to escape, but traces of him dare not leave me.

He is my shadow, the source of my tears.

When in Tagaytay

I have been to Tagaytay many times, but this trip was different because I was with my very good friends whom I met in the graduate school. Travel becomes more intimate when with friends. We explored the many complexities of life, career, graduate school, and of course love during the road trip or when we sat together for a conversation over a sumptuous meal.

Image

We thank RC and his Dad for the comfortable and safe trip up to Tagaytay and down to Manila. It was an unexpected offer we did not dare say no. Of course, the trip will never be complete without the food! We started lunch at Leslie’s restaurant trying their famous bulalo. We also had sisig because Jeyps is a sisig-person. Then, the surprise meal of the day was Kinilaw na Tanigue ordered by RC’s dad which blew us all away. We were not able to realize it was summer because there was gush of wind touching our cheeks at 12 noon!

Image

Then we headed to Brewed for You Coffee House. Because we were all full, we needed to sip coffee. We were mesmerized by the beauty of the place and the breath-taking collection of mugs here and there. RC’s dad and I also bought coffee since we both love brewed coffee.

Image

And for coffee people like us, we did not leave the place until we tasted their “kapeng barako” placed in colorful mugs.

Image

After that was Mushroom Burger. I told Jane to try it since it was her first time to eat there. We thought we would not eat anymore because we were still full, but we realized we were headed for our trip home. We did not notice we finished our burgers!

Image

The trip did not stop there. Travel is endless. We all are travelers in this universe continuously looking and seeking for/at sights and gaining insights.

Enjoy the heat in the more fun country!

Poetry and Me

I never thought I have this fascination with poetry.  I just noticed that poetry has shaped my very being.  I would remember recollecting my thoughts through “poems.” I would write about my feelings, most of them lyric poetry, about my reflections on love, my weakest link and my strength at the same time. There were also some about my observation of things. I even have a collection of those I had written in the past. Every now and then I would read the poems and reminisce the past. I smile as if the experience just happened yesterday. There is nostalgia in every reading. Memories do come back, but there reality knocks that the past remains there and the present is what I have to face.

I   also love reading poems. Though I must admit I do not really understand some of them at first reading. I enjoy the feeling of divinity in every word that I utter. I also feel glad whenever I would learn new words, understand the line, and see the interconnectedness of things, the best words in the best order. I feel good to have unlocked the meaning of the poem, of what it means to be human.

Reading poems is different from reading novels, short stories, or nonfiction. In the first place, it comes in a different form. In poetry, there are many things to consider, its elements, form, sound, and sense. Probably this is also the reason why I opted to work on travel poetics of Ophelia A. Dimalanta. For some weird reasons, I tried to divert my attention with other things. There were times I found reading her poems so difficult. I could not really understand them. Or maybe because I started with the premise that her poems are difficult. Period. Without even trying to dig deeper into her poetics. I guess time also helped me re-discover her and appreciate her poetry. I even thought of working on a travel writer’s essays, but I found them too easy to understand. Everything is there, like what one professor told me. Yeah, I realized that there is nothing difficult in there, and if I would write a thesis about her, what is there still to find out? One friend also suggested that I study another writer. He could help me interview her and provide me with some of her works. I once read her lecture on writing and literature. But I barely know her. I have not even read her works. Starting over again might be difficult for me. When I tried to go back to school, it was nerve wracking. I didn’t know how to pick myself. What should I do next? Until one morning I scheduled a consultation with my professor and enlightened me of my poetry journey. He reiterated that my thesis adviser is expert on travel poetry, and in the first place she is also a poet. I confess I wanted to change my adviser then because we were separated for a long time. She became a university fellow abroad for a couple of years. I also stopped working on my thesis since then, and decided to go back to school after some years. My friends were telling me I can do it, but there is no once who can tell me that by myself. My motivation should be intrinsic. What happens next is history. I do not know that I am capable of doing those things. But with proper guidance and meaningful feedback, I am back on my feet.

I know the journey is still long, but everyday I am loving poetry as I learn from the masters through reading poems and books about poetry. Don’t worry. There is still something in between that I do. I know I still have lots of time to spend with poetry, but I am sure this time I know where I am going.

Palaisipan kay Barbara

Hindi maintindihan ni Barbara kung bakit padala pa rin ng padala si William ng kanyang mga sinulat. Mayroong sanaysay, malikhaing pagsulat, o kaya naman ay komentaryo sa laban ng basketball sa tuwing may laro ang DLSU. Malimit siyang magpabasa ng kanyang mga gawa kahit dati pa. Ilang taon na rin kasi silang magkakilala. Mahilig silang magpalitan ng kuro-kuro tungkol sa mga librong binasa o pelikulang pinanood. Madalas din silang magdebate mula sa mga isyung panlipunan hanggang sa maliliit na bagay na pinalalaki para lamang mapahaba ang usapan. Mas mabuti na iyon kasi mas nagiging palagay ang loob nila, mas lumalalim ang samahan, at nakikilala ang isa’t-isa. Minsan naman tatambay lang sila sa bahay ni Barbara at makikinig ng mga awiting dinownload sa piratebay. Si William maya’t-maya ang tingin sa computer, inaabangan kung seeding na ba yung kanta. Kinakain daw kasi nito yung memory ng computer. Kaya si Barbara kapag nagdodownload ng pelikula e ganoon na rin ang ginagawa kapag seeding na, erase kaagad. Bumili na rin siya ng external dahil hindi na kasya sa computer yung kung anu-anong nakuha sa pagdodownload. Habang nakatutok si William sa computer ay mapapangiti na lang sa tabi si Barbara at kapag lilingon si William ay babalik sa normal na mukha na parang walang nangyari na animo ay may iniisip lang. Minsan naman ay mag-aaya si William na tumambay lang sa damuhan ng CCP o Rizal Park. Mag-uusap sila tungkol sa buhay, magtatawanan at magbubuntong-hininga lalo na kapag napag-usapan na ang tungkol sa pamilya ni Barbara at kung paano hinarap ni William ang buhay sa bilangguan.

 

Lahat ng iyon ay ala-ala na lamang kay Barabara. May kurot sa kanyang puso sapagkat hindi niya nasabi kay William ang kagustuhan niyang manatili ito sa buhay niya. Alam niya simula pa lamang na bago sila magkakilala ni William ay may sarili na itong buhay. Ramdam niya ang sakit na dinanas nito sa bilangguan sa loob ng halos tatlong taon at ang patuloy niyang pakikipaglaban sa mapanghusgang kaisipan ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ang iba sa kanila ay iniwasan na siya dahil baka idamay pa sila sa kaso. Ngunit may mga nanatiling tapat sa kanya at nakita hindi ang kanyang ginawa kundi ang totoo niyang pagkatao. Isa siyang mabuting kaibigan at mapagmahal na anak. Sa kanyang pagkadapa ay naroon palagi si Barbara handang dumamay sa kanya at ipakita na mayroon siyang matatakbuhan sa panahon ng pangangailangan. Nariyan din ang pamilya ni William na hindi sumuko para sa kanya at patuloy siyang pinatatatag ng kanilang pagmamahal. Minsan nasabi ni William na gusto niya munang mapag-isa at buuin muli ang kanyang sarili. Hindi alam ni Barbara kung ano ang mararamdaman pero wala siyang nagawa. Hindi naman naging sagabal ang kanilang pagkalayo. Parati pa ring iniisip ni Barbara si William, inaaalala ang kanilang pinagsamahan at mga tawanang pinagsaluhan. Masaya na si Barbara sa ganito. Hindi naman siya makasarili. Kahit sa kanyang pag-iisa ay lagi niyang bitbit si William. Para itong anino na laging nakasunod kahit saan man siya magpunta. Sinusubukan niya ring kalimutan ito. Kapag may mga lalaking nanliligaw ay binibigyan naman niya sila ng pagkakataon. Ngunit sadyang mailap sa kanya ang pag-ibig. Naghahanap siya ng katulad ni William. Alam naman niyang wala itong katulad. At alam din niya na hanggang hindi niya inaalis si William sa kanyang isipan ay walang ibang makakapasok dito. Alam din niyang hindi pa siya handa para gawin ito. Alam din niyang kailangan na niyang bumangon muli at pulutin ang mga piraso ng sarili na animo ay nawasak. Ninanais pa rin niyang magbalik si William sa kanyang buhay at patuloy na hinihintay ang araw na magkasama silang muli at hindi na magkakahiwalay pa. Pag-asa na lamang ang taninging bumubuhay sa kanya at ang pananabik sa kanyang muling pagdating.    

Paglisan ni Barbara

Nakasakay noon si Barbara sa jeep. Nakaagaw ng pansin niya ang dalawang lalaki na nakasalampak sa harapan ng isang konkretong bahay. Nakalatag ang bag na puno ng laman sa loob. Isa-isang nilalabas ng dalawang lalaki ang tila mga nakaw na cellphone. Sa mga mukha nila bakas na sila ay kuntento na sa kanilang mga nakuha. Pakiwari ay pinag-uusapan nila kung paano maibebenta ang mga iyon. Nagpatuloy sa pag-andar ang jeep. Go na pala. Sa pagharurot ng jeep, naisip ni Barbara na sa Pilipinas kailangan pang magnakaw ng iba sa kanyang mga kababayan upang maitawid ang pang araw-araw na pangangailangan o kaya naman ay masuportahan ang pamilya. Maaaring wala silang mapasukang trabaho kaya kumapit sa patalim o sadyang tamad lang talaga si Juan. Imbes na magbanat ng buto ay pinili niya ang madaling paraan upang kumita. Ano kaya ang tumatakbo sa isipan nila sa tuwing gagawin nila iyon o kaya ay nararamdaman kapag mayroon na silang maihahain sa mesa o perang ipapabaon sa kanilang anak sa eskwela kahit alam nilang ito ay galing sa nakaw? Hindi alam ni Barbara kung paano sisisirin ang lalim ng kanilang damdamin at ang dahilan bakit kailangan nilang pagsamantalahan ang iba na siyang nagbabanat ng buto at naghahanapbuhay upang mabuhay.

 

Naaalala niya tuloy ang kanyang naging kasintahan sa loob ng anim na buwan. Maikli kung tutuusin ngunit tila ang haba ng kalabaryo niya sa kanyang piling. Hindi niya maintindihan kung bakit palaging kailangan ni Lenin ng pera. Sabi niya ay may trabaho siya at may-ari ng isang computer shop sa kanilang probinsiya. Matalino si Lenin. Bihasa siya sa Ingles at masarap kausap. Mahilig din siyang magpatawa at malambing siyang tao. Kaya din siguro nahulog ang loob ni Barbara sa kanya ay dahil inaraw-araw siya ni Lenin habang nanliligaw pa lamang ito. Magkalayo kasi sila. Nasa Maynila si Barbara habang nasa Baguio naman si Lenin. Palaging inaantay ni Lenin si makauwi ng bahay si Barbara mula sa trabaho bago siya matulog. Sasamahan siya nito sa pamamagitan ng palagian nilang pagtetext habang nasa bus si Barbara. Noon lang uli nakaramdam si Barbara ng atensiyon mula sa isang lalaki. Masaya siya na mayroong naglalaan ng oras niya para sa kanya. Kung minsan ay tumatawag din si Lenin at nag-uusap sila ng matagal, minsan nga puyat na siya pero hindi pa rin binababa ang cellphone. Gusto pa ring marinig ang boses ng isa’t-isa. Kinakantahan pa siya ni Lenin, maganda rin kasi ang boses niya. Kahit magkalayo sila ay tila malapit lang ang kanilang mga diwa. Hindi naglaon ay nahulog din ang loob niya dito at hinayaan muli ang sarili na magmahal. Hindi niya inakala na magbabago ang takbo ng kanyang buhay kapiling si Lenin. Parang naging sunud-sunuran siya dito. Hindi niya rin maintindihan ang sarili bakit hindi niya ito matanggihan. Maya’t-maya ay humihiram ng pera. Laging dinadahilan ang shop. Mahina daw ang kita at kailangan daw niyang magbayad ng renta kung hindi isasara na daw ito. Naawa naman si Barbara. Noong araw na ng singilan na ipinangako niyang magbayad hindi na nagparamdam si Lenin. Hindi na rin makontak ni Barbara ang cellphone niya. Lumipas ang mga araw at muli siyang nagparamdam, parang walang nangyari. Naulit pa ang mga ganoong eksena hanggang sa napagod na si Barbara. Hindi na niya kaya ang mga pagsisinungaling ni Lenin sa kanya para lang makakuha ng pera. Minsan nga pinagnakawan pa siya nito. Nag-away sila ng matindi pero humantong pa rin sa pagbabati at pagpapatawad. Hindi pa niya kayang iwan si Lenin noon. Siguro nga matindi lang talaga ang pangangailangan niya. Ngunit may hangganan din ang lahat. Malimit silang nag-aaway. Palagi pa ring humihingi ng pera si Lenin. Minsan ang dahilan niya ay naghahanap siya ng trabaho. Minsan naman para lang magkita sila ni Lenin ay pinapadalhan niya ito ng pera. Dumating ang sandali na parang binuhusan ng malamig na tubig si Barbara na itigil na ang katangahan niya kay Lenin, na ginagamit lang siya nito upang makakuha ng pera. Nangako si Lenin na pupuntahan niya si Barbara. Mga ilang buwan na rin silang hindi nagkikita. Ang lagi niyang dahilan ay wala siyang pera. Magpadala daw siya para magkita sila. Sinusumpong ang migraine ni Barbara noon pero lumabas pa rin siya para magpadala ng pera kay Lenin. Matapos niya itong mapadalhan ay hindi na ito sumasagot sa mga text at tawag niya hanggang hindi na makontak ang cellphone niya. Naiyak sa galit si Barbara at naawa sa sarili. Mula noon nangako siya na hinding-hindi na paloloko kay Lenin. Parang nagkaroon ng 360 degree turn ika nga. Sabagay matagal na din siyang sanay na wala si Lenin. Magpaparamdam lamang siya kapag may kailangan.

 

Nabunutan ng tinik sa dibdib si Barbara. Matagal na din kasi iyong nakabaon sa kanya. Hinayaan niya lang mamalagi. Akala niya kaya niyang tiisin ang sakit na dulot nito pero hindi pala. Akala niya hindi niya kayang mabuhay ng wala si Lenin. Akala niya si Lenin lang ang tanging makakapagpaligaya sa kanya. Akala niya si Lenin na ang mapapangasawa niya at magiging ama ng kaniyang anak. Nais ng lisanin ni Barbara ang pait ng nakaraan. Nalaman niya na may mas higit pang pagmamahal: pagmamahal sa sarili.

 

Anino ng Kalungkutan

May pagkakataong minsan ay parang wala siya sa sarili, hindi nakikipag-usap at tahimik lang na animo ay nagtratrabaho sa kanyang lamesa. Napansin nga ng kanyang kapwa guro noong minsang sila ay nasa faculty room na ilang araw na daw siyang tahimik. Parang hindi daw siya yun. Kahit kapag pauwi na at ang mga kasama niya ay nagkukuwentuhan, hindi siya nakikisali sa mga tawanan. Parang wala nga siyang naririnig o ayaw niya lang ding makisali. Inaantay na niya ang bakasayon para naman masolo na niya ang sarili at ang katahimikan. Isang araw pagkatapos ng klase bigla na lang siyang kumanta ng “naaalala kita pag umuulan” sabay may sumagot “Sembreak.” Tapos may nagsabi, “ayan, ayan ang totoong ikaw.” Ang nasabi niya lang sa kapwa guro ay “Sembreak na kasi.”

 

Walang nakakaalam sa totoong nararamdaman niya. Ayaw niya din naman niyang ikuwento sa kanila dahil hindi na nila dapat malaman. Sa iilan niya lang niya sinabi ang pinagdadaanan niya noon. Mas pinili na lang niyang tahimik ang kanyang buhay. Kung nakikita man nila siyang nakangiti habang nakatingin sa cell phone ay hinahayaan lang niya silang magbigay ng kumento. Binibiro siya kung ano na naman yun at bigla na naman siyang napapangiti. Pasasaan ba at lilipas din yun. Oo naman, may panahon pa rin siyang ngumiti kahit kagagaling niya sa isang masakit na kahapon.

 

Aminin man niya o hindi, minsan pag napapapikit siya ay naaalala niya ang mga nangyari sa kanila ng lalaking akala niya ay magbibigay ng tunay na kasiyahan sa kanya. Napakasarap balikan ng mga panahong sila ay magkasama na parang wala ng bukas. Hindi niya rin makakalimutan ang matatamis na salita at pangakong kanyang binitiwan. Isang araw bigla na lang naglaho ang lahat. Parang gumuho ang kanyang mundo, at hindi alam ang gagawin. Una ay natahimik, natulala, at pagkalaon ay napaiyak na lang kasabay ng buhos ng ulan. Itinanong sa sarili kung bakit tila mailap sa kanya ang pag-ibig. Pagkatapos ng unos sa nakaraang relasyon akala niya ay natagpuan na ang kahinahunan ng puso. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay kailangan muling mamaalam ng panibagong pag-ibig. Napakabilis ng mga pangyayari. Para lang siyang naidlip, nanaginip, at paggising ay may panibago ng yugto ng buhay na naghihintay sa kanya. Kalungkutan.

 

Masyado siyang nakasandal sa pag-ibig ng nakaraan. May mga pagkakataong nais na niya itong kalimutan ngunit palagi itong nakasunod sa kanya na parang anino na hindi niya maiwasan. May taglay itong bigat na hindi pa niya kayang buhatin, ngunit kailangan ng bitawan at iwan kung nais niyang ipagpatuloy ang buhay. 

 

Tama na ang drama. 

Queen of Pain No More

She had to undergo that week of misery and struggle. Never in her wildest dreams had she seen things unfolding the way they did. It was not her choice to be in that situation, to be alone and in pain. But she had to face the consequences of her actions. She had never thought of those when she was at the height of what she presumed was real, never thinking it would depart as air, in its most unexpected time. No wonder she was left there hanging. Didn’t know what to do. Didn’t know how to get out of the tricky maze.

She got by with a little help from her friends. They listened to her intently. Different persona bringing her diverse perspectives. One would say forget about him, you deserve better. Do not waste your time on him. Another said to give him the time and space he needed. At least he bid goodbye. Someone pleaded not to romanticize things and just be realistic. There were those who looked with her in the eye as if telling her things will be fine. A tap on the shoulder, warm hug, company, gift of presence all revived the sleeping beauty in her. Spending time with her in times when she was at her lowest was all she was thankful for. She did not mind having sleepless nights just to be with them rather than burying herself with memories of that day when he said he wanted to detach from her. She had to endure the days when she could not concentrate at work, could not eat well, and all she wanted was to go home and rest. She had migraine, vomiting here and there, letting the tears fall, and her cheeks reddening with pain. She got so tired of the emotional circus. She wanted to be in that state when she was so carefree and calm enjoying her solitude. She longed to be back with her old self. She wished she could one day say to end her agony “I hope the exit is joyful, and I hope never to return” like what Frida said before she died.

It may not be that simple recovering from throbbing pain of the past, but she believes that time heals all wounds. When that time comes, she knows she just looks back with a smile on her face. Memories, good or bad, happiness or hurt, surely never to be forgotten. Lessons learned for her realizing that life is so precious to waste with tears and sadness. There is a better plan. One day, things are going to be all right, and she is queen of pain no more.