Anino ng Kalungkutan

May pagkakataong minsan ay parang wala siya sa sarili, hindi nakikipag-usap at tahimik lang na animo ay nagtratrabaho sa kanyang lamesa. Napansin nga ng kanyang kapwa guro noong minsang sila ay nasa faculty room na ilang araw na daw siyang tahimik. Parang hindi daw siya yun. Kahit kapag pauwi na at ang mga kasama niya ay nagkukuwentuhan, hindi siya nakikisali sa mga tawanan. Parang wala nga siyang naririnig o ayaw niya lang ding makisali. Inaantay na niya ang bakasayon para naman masolo na niya ang sarili at ang katahimikan. Isang araw pagkatapos ng klase bigla na lang siyang kumanta ng “naaalala kita pag umuulan” sabay may sumagot “Sembreak.” Tapos may nagsabi, “ayan, ayan ang totoong ikaw.” Ang nasabi niya lang sa kapwa guro ay “Sembreak na kasi.”

 

Walang nakakaalam sa totoong nararamdaman niya. Ayaw niya din naman niyang ikuwento sa kanila dahil hindi na nila dapat malaman. Sa iilan niya lang niya sinabi ang pinagdadaanan niya noon. Mas pinili na lang niyang tahimik ang kanyang buhay. Kung nakikita man nila siyang nakangiti habang nakatingin sa cell phone ay hinahayaan lang niya silang magbigay ng kumento. Binibiro siya kung ano na naman yun at bigla na naman siyang napapangiti. Pasasaan ba at lilipas din yun. Oo naman, may panahon pa rin siyang ngumiti kahit kagagaling niya sa isang masakit na kahapon.

 

Aminin man niya o hindi, minsan pag napapapikit siya ay naaalala niya ang mga nangyari sa kanila ng lalaking akala niya ay magbibigay ng tunay na kasiyahan sa kanya. Napakasarap balikan ng mga panahong sila ay magkasama na parang wala ng bukas. Hindi niya rin makakalimutan ang matatamis na salita at pangakong kanyang binitiwan. Isang araw bigla na lang naglaho ang lahat. Parang gumuho ang kanyang mundo, at hindi alam ang gagawin. Una ay natahimik, natulala, at pagkalaon ay napaiyak na lang kasabay ng buhos ng ulan. Itinanong sa sarili kung bakit tila mailap sa kanya ang pag-ibig. Pagkatapos ng unos sa nakaraang relasyon akala niya ay natagpuan na ang kahinahunan ng puso. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay kailangan muling mamaalam ng panibagong pag-ibig. Napakabilis ng mga pangyayari. Para lang siyang naidlip, nanaginip, at paggising ay may panibago ng yugto ng buhay na naghihintay sa kanya. Kalungkutan.

 

Masyado siyang nakasandal sa pag-ibig ng nakaraan. May mga pagkakataong nais na niya itong kalimutan ngunit palagi itong nakasunod sa kanya na parang anino na hindi niya maiwasan. May taglay itong bigat na hindi pa niya kayang buhatin, ngunit kailangan ng bitawan at iwan kung nais niyang ipagpatuloy ang buhay. 

 

Tama na ang drama. 

Advertisements
Posted in: Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s